Welcome! This is a website that everyone can build together. It's easy!

Usapang Pinoy HomeThis is a featured page

bandilaTULOY PO KAYO SA TAMBAYAN

Kakaiba talaga ang pinoy...
Pinoy Ka rin tulad ko.
nasa ibang bansa ka man o nasa Pinas...
sigurado..pinoy na pinoy ka pa rin - sa puso't diwa...
Madali lang namang mahalata ang pinoy di ba?
Kahit pa ba english (or any foreign language) speaking,
mapapansin mo pa rin.

Unang-una, madalas na nakangiti ang mga pinoy.
Ewan ko ba?
Ganun din yata ako..

kahit di kilala ang katabi pag nagkatinginan, ngingitian mo...
parang respeto ba o pagiging mabuting tao.
hindi suplado/suplada ika nga.
Pag merong kasalubong. "HOY!", "UY!"...

bakit kaya hindi agad pangalan ang pambati ano?
Tatango na lang tayo madalas pagsagot.
Hindi tulad sa USA, tipong "hi" "hello".
Sa Italya, "Ciao!"

Ano nga ba pambansang pagbati natin sa pang araw-araw?
"Mabuhay!" - gagamitin mo ba 'yan sa barkada pag nasalubong?
Hindi, di ba...?

ayokong mag-isip ng ibang salita para bumati...
basta "Hoy!", intindi na yun.
Minsan nga "Pssst" lilingon na rin.

Agree ka if sasabihin kong halata mo na pinoy, sa airport pa lang..
tagal mag check-in, kasi laging over baggage.
Daming padala si insan, si kumare, si auntie....

naiiwan na nga sariling dala, wag lang maiwan ang ibang padala na hindi sayo.
Ugali na natin yan. "Kakahiya"..."baka me masabi"
Minsan kung iisipin mo, mali di ba?

Pero, wala tayong magawa, hindi tayo makahindi.

Mahilig din ang mga pinoy sa mga kakaning kalye/pang kanto or sidewalk:
Barbe-Q, Banna-Q, kamote-Q...lahat ata ng Q...

mula paa (adidas) ng manok hanggang bituka.
wala na ngang natira sa manok, tsk tsk tsk.
Hindi lugi.

Sa bawat bahay, mas marami yung merong Karaoke/Videoke set, di ba?
Hindi mawawala sa gathering ang kantahan.
Hilig na ng pinoy kumanta (o ngumawa)

Pag lasing na, agawan na sa mic.
Me napatay pa sa kantang "My Way", nabalitaan mo?
(Matagal na 'yun)
Pinoy ugali din ang magbigay ng palayaw.

Bakit nga ba me pangalan naman, iba pa ang itinatawag.

Parang tuwa tayo na me kakaibang tawag sa atin.

Ganda na nga ng pangalan:
Lourdes: nagiging Luding
Lovella, ginawang Bilay
Marianne ginawang Aning.

Yung ibang baduy names naging sosy:
Jose naging Joey,
Miguel, naging Migs
Romualdo naging Aldz

Mahilig din tayo sa acronyms --short cut ika nga.
OA - overacting
TNT - tago nang tago
CR - comfort room
Parang sa chatroom, puro short cut:
TYT, BRB, LOL...at iba pa

Anyway, minsan mapapaisip ka man o hindi sa kakaibang ugali ng Pinoy,
ngingiti na lang tayo.
tutal mas marami pa naman tayong kaaya-ayang ugali di ba?

Mapagkawang gawa
Maasikaso
Masayahin
Mapagmahal

Marami pa...baka kulangin space ko dito.
Ganun pa man, just be proud of our own race...
Mabuhay ang Pinoy!

Halika..sali ka sa usapang Pinoy.

SALAMAT PO.


also visit: www.pahiyasfestival.com




loribel
loribel
Latest page update: made by loribel , Feb 26 2012, 12:38 AM EST (about this update About This Update loribel Edited by loribel


view changes

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
Started By Thread Subject Replies Last Post
GAMAY Pinoy , Matibay ( Durable) at Matatag ( Resilient ). 1 Mar 26 2009, 4:40 PM EDT by teena86
Thread started: Mar 26 2009, 12:32 PM EDT  Watch
Taglay ng Pinoy ang katangian ng isang Narra at bamboo tree, matibay at matatag. Sa ano mang hamon ng buhay hindi sumusuko.
Do you find this valuable?    
Keyword tags: None
Show Last Reply
babygen mapagmahal 1 Mar 16 2009, 11:10 AM EDT by teena86
Thread started: Mar 16 2009, 10:24 AM EDT  Watch
ang pinoy ay mapag mahal na tao, matulungin, honest, hindi mga manloloko na tao...kung manloloko ung iba cla ung may gusto don cla maligaya na manloko ng tao. bakit kaya cla ganon? cla ung gumawa ng mali para madungisan ng dumi ang mga kapwa nila pinoy.
Do you find this valuable?    
Keyword tags: None
Show Last Reply
Showing 2 of 2 threads for this page